Advertisers
Ni JIMI ESCALA
NAPAULAT noon na ililipat na raw sa PTV4 at IBC13 ang programang Wowowin ng TV host na si Willie Revillame.
Pero from a source ay nalaman naming hindi na raw matutuloy ang paglipat ng programa sa government-owned TV station.
Ayon sa source ay may mga hindi raw napagkasunduan sina Willie at ng mga bossing ng mga nabanggit na istasyon.
Kung ilang beses na raw nagkaroon ng meeting ang dalawang partido pero halos lahat daw ng mga napag- usapan ay walang napagkasunduan ang mga Ito.
May mga hinihiling daw ang TV host na hindi kayang ibigay ng management at may mga bagay rin daw naman na request ng mga namamahala ng istasyon na tinutulan ng una.
Matandaang may ilang buwan nang ipinangalandakan ng management ng Channel 13 na sa kanila na eere ang Wowowin ni Willie, huh!
Pero kuwento ng source namin ay umaasa pa rin daw ang IBC 13 na itutuloy pa rin ni Willie ang negosasyon at sa panig naman daw ng istasyon ay more than willing ang mga ito na bigyan muli ng oras ang TV host para sa pag-uusap nilang muli.
***
NAPAIYAK ang mga itinanghal na biggest winners sa katatapos na MMFF awards night. Ang Star for all Seasons Vilma Santos ang nanalong “best actress” ay napaiyak at ganun din naman ang best actor awardee na si Cedric Juan.
Pero knows nyo ba na hindi lang ang dalawang biggest winners ng MMFF ang napaiyak dahil sa sorpresang pagkapanalo nila?
Pati rin pala ang isa sa masasabing talunan nung gabing yun na nominado sa kategoriyang “pinakamahusay na aktor”, huh!
Cry to death daw ang sinasabing nominadong aktor nang hindi ang namesung niya ang tinawag ng presenter as best actor.
Inasahan daw kasi ng naturang aktor na sa kanya mapunta ang tropeo ng best actor award, huh!
Nakadagdag pa ng sama ng loob sa aktor ay isang baguhan lang sa larangan ng industriya ang tumalo sa kanila.
Pero ang talagang nakadismaya sa aktor ay dahil may ilang close sa kanya ang naghatid ng balita sa kanya na siya raw ang winner sa best aktor, huh!
So, moral lesson huwag umasa ất huwag maniwala sa sabi sabi hanggang hindi mo pangalan ang tatawagin as winner.