Advertisers
Ni PETE G. AMPOLOQUIO, JR.
NAGTAASAN ang kilay ng netizens nang dumating sa MMFF awards night na magkasama sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.
Kalat na kalat kasi ang balitang nagkakalabuan na raw ang dalawa at malamang na magkahiwalay at muling magbalik si Sharon sa rati niyang asawang si Gabby
Concepcion. Hahahahahahaha!
Kaya nang makitang magkasama ang dalawa sa MMFF awards night, palihim na naloka ang mga netizens. Hahahahahahaha!
It was obvious that they were taken for a ride.
Mukha raw gumimik si Ate Shawie at marami ang naniwala sa gimmick niyang ito.
Napabalita pa rin kasing mukhang inaayos na rin daw ni Gabby ang kanyang pakikipaghiwalay sa kanyang asawa sa ngayon.
Really? Hahahahahahahaha!
Well, wala namang masama sa ganon. After all, wala naman silang nasagasaan at pamilya lang naman nila ang involved.
Yun nga lang, parang marami ang kanilang napaniwala sa konting kaeklayang kanilang ginawa.
Yun lang!
Anyway, as of presstime, pang-lima ang A Family of Two sa ngayon sa mga sinehan kaya umipekto rin ang konting gimmick ni Ate Shawie.
***
Marami ang na-disappoint
MARAMI ang na-disappoint nang malaglag sa top five ang pelikula nina Vilma Santos at Christopher de Leon.
As of presstime, wala na sa top five ang movie nina Ate Vi at iba na ang ranking.
Maintained kasi ng Rewind at Mallari nina Marian at Dingdong at Piolo Pascual ang number 1 at number 2 positions respectively, samantalang nasa pangatlo na ang Gomburza at umakyat din ang number 10 na Firefly sa number 4 position.
Nalaglag din ang Penduko sa number 3 position.
Umakyat naman ang A Family of Two sa number 5 from its original position of number 7.
At any rate, I’m optimistic that When I Met You In Tokyo would still be in number 6. Quality naman kasi ang pelikulang ito at mahusay ang pagganap nina Christopher at Vilma at maganda naman ang pagkakagawa ng pelikula in its entirety.
***
Nasa Mexico na naman si Monet Lu
MUKHANG the year 2023 is a year for travel para kay Monet Lu.
This time, he went to Puerto Vallarta in Mexico to attend to wedding of his grand niece Kayla and her groom Farshad.
Medyo senti si Monet dahil parang kailan lang daw when Kayla was just a baby but now, she is already getting married.
Ginanap ang reception sa Hotel Mousai last December 17 at exactly 6:25 AM and it was a well attended wedding.
After the wedding back to work na naman si Monet but at least, he was able to attend to his niece’s wedding and it was a most fulfilling thing.
Follow me in Police Files Tonite tabloid at Yari Ka!
Send in those amusing and sizzling stories at #09276557791.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!