Advertisers

Advertisers

DonBelle nakababata ang pagpapakilig sa serye; Tisoy na hunk actor nakadidiri ang masangsang na amoy ng katawan

0 13

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

TALAGANG mas dumami pa ang mga adik na panoorin ang hit romcom series ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano na Can’t Buy Me Love, base na rin sa nakukuha nitong rating at ranking sa iba’t ibang platforms ng Kapamilya Network.

Kahit nga ang mga lola na nakakausap namin ay talagang pinapanood ang nasabing serye dahil tuwang-tuwa at aliw na aliw raw sila sa DonBelle.
Gustung-gusto nga raw nilang ampunin sina Don at Belle at ituring nila itong parang mga tunay na apo dahil love na love na raw nila ang dalawa.



Talaga raw nawawala ang inip at pagka-aburido nila sa buhay kapag may mga bagong episode na ang Can’t Buy Me Love. Feeling daw nila ay bumabata sila kapag nagpapakilig na ang DonBelle.
Samantala, bentang-benta rin ngayon ang isa sa kantang bahagi ng official soundtrack ng Can’t Buy Me Love, ang “Autumn” ng Ben&Ben.

Nagsama ang nine-piece Filipino band at ang tinaguriang new gen phenomenal actress na si Belle Mariano para sa duet version ng awiting Autumn.
Inilalarawan ng Autumn ang pagsubok na dala ng distansya na namamagitan sa dalawang taong puno ng pagmamahal. Isinulat ito nina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin ng Ben&Ben at iprinodyus nila ang song collaboration kasama sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Jean Paul Verona.



Unang inilabas ng banda ang orihinal na bersyon ng awitin noong November.
Kamakailan ay inilunsad ni Belle ang album na Somber, kasama ang original tracks na Bugambilya at Somber and Solemn.
Umarangkada ito agad sa unang pwesto ng iTunes Philippines albums chart habang ang anim na awitin nito ay nakapasok sa top 30 ng singles chart. Bukod sa musika, kilala rin si Belle bilang mahusay na aktres na bumida sa seryeng He’s Into Her at romcom films na Love Is Color Blind at An Inconvenient Love.

***
TOTOO kaya itong nakarating sa amin na masangsang ang amoy ng katawan nitong isang hunk actor?
Ayon sa aming reliable source, noong nag-taping daw si hunk actor para sa isang serye niya before, ay pawis na pawis ito dahil sa eksena niyang tumatakbo. At nu’ng niyakap daw ito ng co-star niya sa serye ay na-turned off daw ito sa kanya dahil nga sa hindi kanaisa-nais na amoy ng kanyang katawan. Tiniis na lang daw ng co-star ni hunk actor ang kanyang amoy. Kasi kung ipapa-cut nito, baka raw magtaka ang direktor kung bakit.



After ng kanilang eksena, naligo raw itong co-star ni hunk actor para mawala ang masangsang na amoy na dumikit sa kanyang katawan. Nandiri nga raw ito sa hunk actor.
Bukod sa kanyang magandang pangangatawan ay gwapo rin itong si hunk actor. Isa siya sa pinakagwapong aktor natin. Marami nga ang nagpapantasiya sa kanyang mga kabadingan, na gusto siyang matikman. Pero kung malalaman ng mga ito ang hindi magandang amoy sa katawan ni hunk actor, gugustuhin pa kaya nilang tikman ito? Pagpapantasiyahan pa kaya nila ito?

Nung nakarating sa amin ang chikang ito, inalala namin yung mga times na nakakasama/nakakausap namin si hunk actor. And in fairnes sa kanya ay wala naman kaming naamoy na mabaho sa kanyang katawan. Siguro kasi ay hindi naman siya pawis noong nakaharap namin.

Well, sino si hunk actor? Tisoy siya at gabi-gabi ay napapanood siya sa isang serye mula sa malaking network.