Advertisers
Ni BETH GELENA
PINUSUAN ni Annabelle Rama ang bagong post ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account.
Sarah posted a new carousel of photos on social media.
Kuha ang nasabing lovely photos nito lang January 1, New Year’s Day.
Ang snapshots ay larawan nilang mag-anak na kuha sa Bohol.
Ang nakalagay sa caption “1/366,” along with a face holding back tears emoji.
Isa ang mother-in-law niyang si Annabelle sa nag-like ng kanilang larawan.
Reaction ng netizens, “Aww nag heart si Mamshie Annabelle”
“Nag-like si ms annabelle sa post mo, day @sarahlahbati”
“Eeyy nka (heart) na si mother in law”
***
KIM MAY HABILIN KAY GREGG: ‘ALAGAAN MO MOMSY NAMIN”
MATAPOS ang kasal nina Angelica Panganiban at Gregg Homan ay may heartfelt message si Kim Chiu sa newly wed personality.
Isang mahabang mensahe ang ipinost niya sa kanyang Instagram.
Panimula ni Chinita Princess: “12-31-23 Witnessed a love that is everlasting, love that comes in perfect timing, love that is unconditional, and love that deserves to be felt by one another.”
Pinasalamatan din ng aktres ang husband ni Angge, “thank you for loving our momsy @gregg homan* at binilinan pa niya ito na “alagaan mo ang momsy namin forever!”
Binati rin niya ang mag-asawa.
“Congratulations momsy @iamangelicap and @gregg_homan.”
“I felt blessed to witness this beautiful ceremony. I can’t miss this! Love you, Momsy Angge!”
Ang dami ring celebrities ang nagpadala ng kanilang congratulations sa newly wed couple, “Congratulations, ” anila.
Hindi rin nakalimutang i-
express ni Kimmy, “#ANGBEKI IS EXTRA EXTRA HAPPY!!! Momsy @bela, I am glad to experience this with you!”
May share ring Bible verse about love ang Chinita Princess.
“Love is patient, love is kind: 1 Corinthians 13:4.”
***
SHARON AT KIKO MUNTIK NANG MAGHIWALAY
DIRETSAHANG sinabi ni Sharon Cuneta na nag-away sila, nagkahiwalay at nagkabati ng asawang si Kiko Pangilinan.
Pero ngayon ay okay na raw sila.
Inamin ni Megastar na nag-away sila at naghiwalay ni Kiko, pero nagkaayos na raw sila at okay na. Ito umano ang dahilan ng ilan sa kanyang naging post pero marami raw sa kanyang quotes na binahagi ay hindi tungkol sa kanila kundi para sa mga taong malapit sa kanya.
Sa naturang video ay kasama niya ang asawa at tatlong anak na sina Miel, Frankie at Miguel habang naka-check-in sa isang hotel dahil nag-perform si Mega sa isang New Year countdown doon. Dagdag naman ng dating senador, lahat ng pamilya at mag-asawa ay nagkakatampuhan.