Advertisers

Advertisers

Marion At Cool Cat Ash Kapwa Hit Ang Mga Latest Single, Mom Na Si Maribel Kasama Sa Bakasyon Sa Korea

0 28

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

ANG galing at parehong namamayagpag ang career ng mag-sister na Marion Aunor at Cool Cat Ash (Ashley Aunor) sa music industry. Itong kare-release lang na single ni Marion na may titulong “NAHULOG” na leading man sa music video ay si Marco Gallo. As of Jan. 3 ay nakapagtala na ang official lyric video nito na may English subtitle ng 120K views sa official Youtube channel ng WILD DREAM RECORDS and yes, still counting ang views nito.

At nag-post si Marion ng kanyang thank you message sa lahat ng tumatangkilik ng bago niyang kanta, “Now almost 120K+ views! Grateful starting the year like this. Thank you so much for all your support,” say pa ni Ms. Aunor.



Samantala, ang single naman ni Cool Cat Ash na “I FIND LOVE SO…SO…WEIRD” from her latest album under Star Music ay umabot na sa over 100K ang streams sa Spotify. Malakas din ang views nito sa iba pang digital platforms at social media platform. Hindi lang yan, number one rin ang album ni Cool Cat Ash sa Seoul Korea at napatunayan niya ito at may mga merchandise ng I Find Love So…So…Weird na made in Seoul Korea like T-shirt. Nakaka-proud naman sina Cool Cat Ash at Marion na hindi lang sa Pinas sikat kundi sa iba’t ibang bansa rin. Nag-guest pala uli via Zoom by public demand si Cool Cat Ash sa Power Htz Radio Hong Kong.

Samantala, sa Korea pala nag-celebrate ng kanilang Christmas at New Year ang magkapatid together with their famous Mom Maribel Aunor. Na-enjoy ng mag-iina ang kanilang tour sa Jeju Island sa South Korea at shopping at dining sa Seoul, Korea.



***
BROKEN HEART’S TRIP, Pinilahan Din
KAHIT na sinasabing dark horse ang comedy movie na “BROKEN HEART’S TRIP” sa patapos ng MMFF 2023. May mga sinehan na pinilahan ito. Saksi kami nang mag-theater tour si Petite sa SM Megamall Cinema 2 kasama ang magandang promo head ng movie at friend naming si Ms. Aiz (Aileen) Domingo.

Yes, pinagkaguluhan si Petite ng mga moviegoers at nakita rin namin ang pila sa Cinema 2 na palabas ang BROKEN HEART’S TRIP para sa lahat ng mga gustong mag-move on. Pawang positive rin ang reviews sa nasabing movie na naaliw, natawa at naka-relate sila. At majority ng LGBTQ ay sinuportahan ito. Sayang lang at hindi nagkaroon ng advance ticket selling ang lead cast headed by Christian Bables. Siguro ay mas kumita pa ito. Well so far I heard ay hindi naman daw na-disappoint ang very ma-PR na producer ng movie na si Sir Benjamin Manansala Cabrera na if I’m not mistaken ay based sa Amerika. This time ay alam na raw nito ang gagawin sakaling mag-produce uli siya sa kanyang BMC Films. So admiring naman ang ganyang attitude. Good luck Sir Benjamin.



***
Mr. and Mrs. Joyce And Larry Krull Kilala Sa Buong Kansas City, Masaya Ang Christmas At New Year
MATAGAL nang popular ang MIDWEST DRIVING SCHOOL sa Northeast Manhattan Kansas City na owned by my pretty friendship Joyce and her husband Sir Larry Krull na sa tagal ng pagsasama nila ay may ugali na ring Pinoy.

Kaya naman tulad ng Bff naming si Joyce ay magiliw rin si Sir Larry sa mga client nilang Pinoy. At itong driving school ng sweet couple na parehong viewer ng aming vlog ang siyang pinakasikat sa buong Kansas City

Bukod kasi sa mapagkakatiwalaan sila ay mabilis na natutong mag-drive ang mga nag-aaral dito. Talagang well trained ang kanilang mga driver na may Pinoy at banyaga. At yung charges nila for the whole session ay sulit. Every Christmas pala and New Year ay sinisiguro ni Joyce na buo silang pamilya na magkasamang sine-celebrate.

And that includes Sir Larry, daughter Doctora Via Rodriguez-Panganiban (na beauty rin like her) at doctor husband nito na si Kevin and their first granddaughter Kassidy na super pretty at celebrity ang aura. Kasama rin sa Lenten celebration ng pamilya ang bakasyon sa ibang bansa.