Advertisers

Advertisers

Empress 2 beses nakunan sa taong 2023

0 7

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

SA pamamagitan ng kanyang Instagram post ay deretsahang inamin ng aktres na si Empress Shuck na dalawang beses daw siyang nakunan nung 2023.
Isang pangyayari raw yun na sobrang ikinalungkot niya at ng asawang si Vino Guingona. Pero ayaw na raw pag usapan pa ni Empress ang naturang pangyayari.

Kumbaga, tanggap daw nilang mag asawa na hindi para sa kanila ang supposed to be karagdagang dalawang anak pa nila. Nagpasalamat naman si Empress dahil nasa tabi raw niya ang asawa ng mga pagkakataon na yun at hindi raw umalis sa tabi niya hanggang hindi naging maayos ang kalagayan niya.
Bumuhos naman ang sunud-sunod na pakikiramay o komento ng mga kasamahang celebrities dahil sa nangyari na yun.

Sa kasalukuyan ay masaya na rin daw sila ni Vino dahil may walong taong gulang na silang anak na babae na nakatakdang magdiwang ng kaarawan sa darating na September sa taong kasalukuyan.

***
AT this juncture ay nais naming pasalamatan ang lahat po ng nakaalala sa amin sa katatapos na kapaskuhan. Kahit na nararamdaman pa rin nating lahat na hindi pa nakababalik sa dati but still may mga hindi pa rin nakalimot.

Siyempre, ang isang Kuya Boy Abunda na talagang tumawag pa sa amin para lang batiin kami ng inaanak niya na anak naming si Joshua James Escala.
Ang isa rin sa talagang laging andyan sa lahat ng okasyon o pangyayari sa buhay namin na si Ms. Sunshine Cruz Sina Kuya Boy at Sunshine ay tunay po namang mga “angels” ko dahil isang emote ko lang agad tatawag at solved na ang problema ko lalo na nung katatapos na barangay elections.
Thank you po Sir Boy at Ms. Sunshine.

Pasasalamat pa rin kina Congressman Ernix Dionisio at Vice Mayor Yul Servo. Thank you po sa inyong dalawa.

Siyempre, maraming maraming salamat din sa lahat ng mga tumugon sa aming mga PMPC carolers. Isang malaking tulong sa amin yun sa nakalipas na kapaskuhan.
Truly, God is good.. Di ba madam editor Blessie Cirera? (Indeed-Ed)