Advertisers

Advertisers

Pagbubunyag ng ex-DDS hitman: ‘DUTERTE KARIBAL NG PAROJINOG SA ILLEGAL DRUGS’

0 25

Advertisers

IBINUNYAG ng umaming hitman na si Arturo Lascañas na si dating Presidente Rodrigo Duterte ang nag-utos sa police raid na ikinasawi ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at ilan pa noong 2017.

Ginawa ni Lascañas, miyembro ng Davao Death Squad at retiradong police investigator ng Davao City PNP, ang alegasyon sa panayam ni Antonio Montalvan II sa VERA Files.

Ang VERA Files ay partner ng Meta sa pag-delete ng mga fake news sa Facebook.



Ayon kay Lascañas, alam ni Parojinog na sangkot si Duterte sa illegal drug trade at kakompetensiya siya.

“Parojinog knows so much of the drug trade of Duterte, especially of the brother of Michael Yang in Cagayan de Oro City,” sabi ni Lascañas sa report.



Si Michael Yang ay kaibigan ni Duterte at itinalaga pa niyang economic adviser noong siya’y Presidente.

Sinabi ni Lascañas sa report, ang teritoryo ni Duterte sa drug trade ay ang Southern Mindanao, habang Northern Mindanao ang kay Parojinog.



Pero sinabi niyang si Duterte ay may pagkakataong nakakausap si Parojinog.

Sinabi ni Lascanas na gusto ni Duterte na patayin ni Parojinog ang isang Pinoy na nagtatrabaho sa US Drug Enforcement Administration, pero hindi ito ginawa ni Parojinog.

Ang US DEA ay naging mabuti kay Duterte, dagdag niya.

Tinukoy din ni Lascañas ang target ni Duterte na si Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.

Si Navarro ay napatay sa ambush sa Cebu City noong October 2019.

Bago ang police raid sa compound ni Parojinog, isinapubliko ni Duterte na siya’y sangkot sa illegal drug trade.

Itinanggi ng kinatawan ng pamilya ni Parojinog na nagkaroon ng shootout sa police raid, kungsaan nasawi ang misis ng alkalde at kanyang dalawang kapatid. – Mula sa Abogado PH

Duterte iniutos pagpapatay kina De Lima at sa isang pari sa Davao – DDS hitman

NANG siya ay Davao City Mayor, iniutos umano ni Rodrigo Duterte ang pagpatay sa noo’y Commission on Human Rights chairman na si Leila de Lima at sa isang pari na bumabatikos sa kanya, ayon sa umaming Davao Death Squad member na si retired police Arturo Lascañas.

Ang pagpatay ay hindi nangyari dahil sa mara-ming dahilan, sabi ni Lascañas sa panayam ni Antonio Montalvan II sa VERA Files.

Ani Lascañas, ang plano ni Duterte para paslangin si De Lima ay nang bumisita ang huli sa Davao City noong 2009 para imbestigahan ang death squad.

Ayon kay Lascañas, siya, si Duterte, at police officers na sina SPO4 Sonny Buenaventura at SPO4 Ben Laud ay nagkita sa bahay ni Duterte at nag-usap kung paano ang paglikida kay De Lima.

Sinabi niyang ayaw ni Laud na tambangan si De Lima sa kanyang quarry dahil ayaw ni Laud na pagbintangan bilang mastermind, at maaring mai-link kay Duterte sa pangyayari.

“I told Duterte – ‘this is a crazy idea, Sir. Why not use your sniper rifle?’” sabi niya.

Ang option ni Buenaventura ay patayin si De Lima sa pamamagitan ng sniper sa Bajada o Insular Hotel, pagbubunyag ni Lascañas.

Pero ito aniya ay hindi natuloy dahil maraming puno sa paligid ng Insular Hotel at dahil narin sa security monitoring sa lugar.

Nilinaw din niya ang 2016 testimony ng isa pang dating DDS hitman na si Edgar Matobato sa Senate na ito ang dapat papatay kay De Lima nang bumisita ang huli sa Laud quarry. Sinabi niyang si Matobato ay nasa quarry nang oras na iyon at inihanda ito para gamitin, pero hindi niya alam ang plano na gumamit ng sniper para paslangin si De Lima.

Itinuloy ni De Lima ang pag-imbestiga at pagbatikos kay Duterte nang maging Justice Secretary at Senator siya.

Noong 2017, isang taon pagkaupong Pangulo ni Duterte, sinampahan ng mga kasong may kinalaman sa droga si De Lima, dahilan ng pagkaaresto sa kanya at pagkakulong. Napawalangsala siya sa dalawang charges at nakapagpiyansa sa nalalabing drug case noong November 2023.

Maliban kay De Lima, iniutos din ni Duterte ang pagpapatay kay Fr. Pete Lamata, na noo’y sa archdiocesan clergy of Davao, dahil sa mga pagbatikos sa kanya, sabi ni Lascañas sa VERA Files.

Sinabi ni Lascañas na si Duterte ay nangako ng “one million” para sa pagpatay kay Lamata at sinabi pang si Apollo Quiboloy ay magbibigay din ng isang million.

Si Quiboloy ay malapit na kaibigan ni Duterte at televangelist na namumuno sa ‘Kingdom of Jesus Christ.

Sinabi ni Lascañas na siya ang inasahang papatay sa pari pero hindi niya sinunod ang utos sa kabila na binigyan na siya ng P200,000 operational fund.

“I dilly-dallied the order. I did not follow the order,” sabi ni sa panayam.
Sinabi rin niyang gusto ni Duterte na barilin niya si Lamata, pero sinabi ni Lascañas gagamit nalang siya ng kutsilyo.

“Duterte answered me: ‘Make it faster, Arturo – that is one million. Including (Apollo) Quiboloy will pay another one million,’” sabi niya.

Pero sinabi niyang nawalan na ng interest si Duterte kay Lamata pagkatapos ng eleksyon, at ang “kill order” ay hindi na naipatupad. – Mula sa Abogado PH