Advertisers

Advertisers

Lovi buntis kaya pinatay na ang karakter sa Batang Quiapo?

0 19

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAGREAK na si Ate Vi (Vilma Santos-Recto) sa mga nagkukwestiyon ng pagkapanalo niya bilang MMFF Best Actress 2023 sa pelikang “When I Met You In Tokyo.”

She won the award for her outstanding performance with the delivery of her lines to how her character Azon resonated with the viewers.



May mga nagtatanong kung bakit siya ang nanalo at hindi ang top-earning na Rewind.

“Para sa akin hindi porke’t top grosser ang Rewind movie nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay masasabi ng magagaling silang artista.



“Sa tingin ko lang hindi sila ang nagdala ng pelikula kundi ang istorya ng Rewind kung saan marami ang naka-relate sa story.”

And for the Star For All Seasons, siya na rin ang nagsasabi noon pa sa mga presscon ng WIMYIT na hindi niya inaasahan na magkaka-award siya dahil very light lang naman daw ang story ng kanilang pelikula.



Pero bilang si Azon na isang OFW sa Japan ay nagampanan naman niya nang mabuti ang kanyang karakter.

Sa interview sa veteran actress, binalikan niya ang mga namba-bash sa kanya at nagda-doubt sa kanyang pagkapanalo.

Natural lang nga naman na makatanggap siya ng mga negatibong komento mula sa mga hindi niya tagahanga, pero ang akusahan siyang malakas ang kapit sa mga hurado ay yun ang hindi niya matatanggap.

“My God, God knows na ni isa we did not lift a finger para sabihin mong to get the Best Actress award,” wika ng Star For All Seasons.

Dinepensahan niya ang sarili from those who said that she should give others the chance to win as she has already gained a lot in terms of this kind of recognition. Aniya, wala siya sa posisyon para salungatin ang decision ng jurors and she doesn’t even know about it. Thankful niyang tinanggap ang award.

Sabi nga niya sa kanyang acceptance speech, the Best Actress award was unexpected.

Hinggil naman sa box-office performance ng kanilang pelikula, sinabi niyang ‘they have no control over it.’

Pakli ni Ate Vi, “What can we do? It’s really like that. I mean, sometimes you lose, sometimes you win. You cannot have everything, you know? So God is fair.”

***

Ina ni Sarah palaban sa basher

NAGIGING celebrity na rin ang ina ni Sarah Lahbati.

Aba, umaalma na rin siya sa mga bashers.

Inalmahan ni Esther Lahbati ang  komento ng basher:

Aniya, “May Swiss passport ako and I can go anywhere”

Deleted na ang comment ng basher, pero hindi ito nakaligtas sa mata ng ina ni Sarah.

Esther asked the basher what was wrong if she would work at home because it is a noble job.

Kinorek din niya ang basher that she was not working at a chocolate factory kundi sa  Chocolaterie sa Geneva International Airport.

Eto ang kabuuan ng sagot ni Esther sa basher.

“To make it clear madam. What’s wrong kung magtrabaho ako sa bahay? Marangal na trabaho yan…Eto sasabihin ko sayo, isara mo na lang bibig mo kung di lang maganda ang sasabihin mo nang iiistorbo ba ako sayo? May Swiss passport ako and I can go anywhere in the world without visa. I can work anywhere in Europe, ok? Ikaw, ano ginagawa mo pamilya mo na lang intindihin mo for your information hindi ako nagtrabaho sa chocolate factory may proof ako na nagtrabaho ako sa Geneva International Airport sa Chocolaterie sa loob ng duty free shops.”

***

“MOKANG…now signing off.” Yan ang post ni Lovi Poe sa kanyang IG.

Nalungkot ang avid viewers ng BQ lalo na ang avid viewers ng Tanggol-Mokang.

Anila: “Whyyy? Di  ba magki-kiss pa kau sa harap ng Quiapo Church?

“paasa pala ung trailer.  Thank you Mokang isa ka sa inaabangan ko.”

“Oh no this is so bittersweet.”

Maging ang aktres na si Bela Padilla ay pinusuan ng 3 red hearts ang post ni Lovi.

“Sa sobrang haba ng mga palabas ni Coco lagi siyang namamatayan ng leading lady”

Ang iba ay halos iisa ang mensahe kay Lovi: “We will miss you mokang.  mokang viewers will surely miss you Poe salamats”

“Bye Mokang! Maraming salamat.  We will miss you pero hindi na magseselos ang Bubbles (Ivana Alawi) namin. ”

“Such an iconic role!  People will surely miss Mokang. It was a good indeed… ”

Mukhang may inaasahan namang another project ang isang commenter dahil pinasok niya ang name ni Angel Locsin na halos one year na hindi nagparamdam sa showbiz

“Next project LOVI & ANGEL LOCSIN action/drama series @abscbn @dreamscapeph make this happen.”

Ang dami rin nagre-request na sana pagsamahin sina Lovi at Jericho Rosales sa isang project.

Ang iba naman ay hinahanap ang trailer kung saan nagkita sina Mokang at Tanggol sa harap ng Quiapo Church at nakita sila ni Ramon. Papano na raw ang eksenang iyun?

At bakit daw binago ang story, ang expected ng lahat ay si David (McCoy de Leon) ang mamamatay, ano raw ang nangyari at inuna si Lovi?

“Nadismaya kami. Nawala ang pinakaaabangan naming kissing scene ni Tanggol at Mokang sa may Plaza Miranda. Anyare?”

May nagsasabi namang baka umano buntis na si Lovi sa kanyang husband kaya biglaan ang pagkawala niya sa BQ.