Advertisers

Advertisers

7 KATAONG DINUKOT, PINATAY AT INILIBING NG PATAYO SA ISANG HUKAY!

0 34

Advertisers

PITONG bangkay ng tao na inilibing ng patayo ang nahukay sa isang hukay sa Barangay Karkum, Sapad, Lanao del Norte nitong Linggo, January 7, 2024.

Sa ulat nitong Lunes ng Lanao del Norte Provincial Police Office, kinilala ang mga biktima na sina Joselito Gaviola, 54 anyos, ng Islamic Sangali, Zamboanga City; Marly Gaviola, 50, ng P5, Sangali; Elvie Lenara, 43, may asawa, ng Purok Dama de Noche, Poblacion, Margosatubig, Zamboanga del Sur; Epifanio Sr., Joepay, Jomar at Epifanio Lenara Jr..

Naiulat na nawawala ang mga biktima dalawang araw bago nadiskubre ang pagkakalibing sa mga ito sa isang coconut farm sa Barangay Karkum.



Sa pahayag ng Sapad Municipal Police Station, malinaw na dinukot sa kung saan ang mga biktima, pinatay at dinala sa Barangay Karkum ang mga bangkay at doon na inilibing.

Ayon sa mga imbestigador ng Sapad MPS, mga taga-Sangali, Zamboanga City ang mga Gaviola; habang ang mga Legara ay mga taga-Margossatubig.



Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon sa krimen ang pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">