Advertisers

Advertisers

BI nagpasalamat sa mga mambabatas sa suporta sa bagong immig law

0 7

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Commissioner Norman Tansingco ng Bureau of Immigration (BI) sa mga mambabatas dahil sa kanilang suporta sa panukalang bagong batas ng immigration .

Ang BI Modernization Act, na inaprubahan na ng Kongreso at ngayon ay nasa deliberasyon na ng Senado at ang layunin ay i-update ang 84-anyos na batas.

“We are thankful because many lawmakers have expressed their support and sees the urgent need to modernize the BI,” sabi ni Tansingco.

?Noong isang linggo, ay muling itinulak ni Senator Christopher “Bong” Go ang modernisasyon ng BI. Kabilang sa isinusulong ni Go ay ang improved wages, karagdagan tauhan upang mapagaan ang suliraning kinakaharap ng burukrasya.

Maliban pa sa update sa mga klase ng visa at kaparusahan, tinitiyak din nang bagong batas ang karagdagang sahod ng mga kawani ng BI. Ayon kay Tansingco ang hakbang ay labis na makakatulong sa mga kawani na matagal ng dumadanas ng mababang sahod at mabibigyan din ng pagkakataon ang ahensya na kumuha pa ng mga bagong graduates mula sa magagandang paaralan bilang mga tauhan.

Ang panukalang modernisasyon ay magbibigay kapangyarihan sa BI na gamitin ang kita nito para bumili ng makabagong gamit at teknolohiya. Dahil dito ay magagawang makapag-operate ng BI nang higit na epektibo lalo na sa pagpapatupad ng kanilang papel sa seguridad ng bansa. Sa pagpapaunlad pa ng imprastraktura at pagyakap sa state-of-the-art systems, ang ahensya ay magkakaroon ng kakayahan sa pagpigil sa mga iligal na gawain tulad ng human trafficking, illegal cross-border operations, at iba pang banta na may kinalaman sa borders.

“The passage of the new law is another step forward towards the President’s vision of Bagong Pilipinas,” sabi ni Tansingco.

Ang BI modernization act ay inaasahang pagdedebatehan na sa committee level. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)