Advertisers

Advertisers

Ginigiba sina Brawner at Acorda kay PBBM

0 65

Advertisers

DAHIL sa vlog ni retired military Brigadier General Johnny Macanas, Sr. nagulo sina AFP Chief, General; Romeo Brawner, Jr.; at PNP Chief, General Benjamin Acorda, Jr.

Sukat ba namang talakayin ni Macanas, dating nagserbisyo sa Philippine Army, sa kanyang vlog na nag-viral, na kinukumbinsi ng mga pinuno ng Pambansang Pulisya at Sandatahang Lakas ng Pilipinas si Presidente “Bongbong” Marcos na bumaba na sa pwesto.

Obkors kaagad nagpalabas ng pahayag sina Acorda at Brawner na “fake news” ang tinalakay sa vlog ni Macanas. Kaagad din sila nagpahayag uli ng buong katapatan kay PBBM bilang kanilang Commander in Chief.



Si Acorda ay dating regional director ng Northern Mindanao kungsaan na-assign din si Macanas bilang opisyal ng Army. That means pamilyar na sila sa isa’t isa bagama’t ‘di sila mistah.

Ang ginawang ito ni Macanas kina Acorda at Brawner na ginawan niya ng matinding isyu laban kay PBBM ay ginawa rin niya sa kaso ni dating Bureau of Correction Director General Gerald Bantag.



At the end nag-public apology si Macanas sa Bantag case.

Hindi naman matahimik sina Brawner at Acorda sa gulong ginawa ni Macanas. Anila, dapat managot ang vlogger na ito sa pagkakalat ng fake news!



Ang malupet pa kasi sa naging vlog ni Macanas ay ginawa matapos magpaliwanag si Brawner tungkol sa umano’y kumakalat na “tsismis” na may mga retirado at aktibong opisyal ng AFP at PNP na nangungumbinsing ibagsak si PBBM, na ayon sa AFP Chief ay na-misquote lang siya ng media.

Sinundan pa ito ng mga babala ni dating Pangulo Rody Duterte tungkol sa destabilization laban sa administrasyong Marcos.

At maging ang dating presidential spokesman ni Duterte na si Atty Harry Roque ay nagbabala ng “kaguluhan” kapag ginalaw naman si Duterte, kaugnay ng nangyayaring imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC), na ang nasa likod aniya ay si PBBM.

Paulit-ulit na tinatalakay ni Roque sa kanyang kolum sa isang pahayagan at maging sa social media na ang pagkakapasok ng ICC sa Pilipinas ay gawa ng administrasyon para raw ibagsak ang mga Duterte, bagay na pinabubulaanan naman ng kampo ni PBBM.

Balikan natin ang isyu kina Brawner at Acorda, mukhang paborito silang siraan ngayon kay PBBM. Bakit kaya? Dapat maging alerto kayo, mga Sir!

Anyway nasa kay PBBM narin naman yan, kung maniniwala siya sa mga isyu laban sa dalawa niyang heneral, na sa tingin ko naman ay tapat sa kanya at sa ating Saligang Batas.

***

Grabe na ngayon ang illegal gambling sa Central Luzon (Region 3). Tila ligal na rito ang mga operasyon ng jueteng na nagtatago sa STL, online sabong na kabilang sa ipinagbabawal ni PBBM sa kanyang Executive Order No. 09.

Bukod sa mga iligal na sugal, napakatalamak narin ng mga iligal na droga: marijuana, shabu at cocaine.

Ano bang ginagawa ng PNP Regional Director at kanyang provincial police chiefs dito?

General Acorda, Sir!, balasahin mo nga ang PNP R3!!!