Advertisers
MAAGANG nagpaalam ang Filipina tennis ace Alex Eala sa Australian Open qualifiers sa Melbourne Martes,matapos yumuko kay Rebecca Peterson ng Sweden sa two sets.
Peterson, ang dating world No.43 at kasalukuyang No.128, tinalo si Eala 6-2,7-5,para umabante sa susunod na ikot ng paligsahan.
Sa ikalawang magkakasunod na taon, na hindi nakapasok si Eala sa qualifying ng Australian Open, matapos mabigo kay Misaki Doi ng Japan sa three sets nakaraang taon.
Peterson ay nakatakdang makaharap si Anastacia Zakharova ng Russia sa susunod na qualifying round.