Advertisers

Advertisers

PNP Chief Acorda: Loyalty check sa hanay ng PNP, hindi na kailangan

0 10

Advertisers

HINDI na kailangan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na magsagawa ng loyalty check sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Ito ay sa kabila ng pagdadawit ng kanyang pangalan at ni Armed Forces of the Philippine Chief of Staff Gen. Romeo Brawner sa usaping destabilisasyon sa Pamahalaan.

Ayon kay Acorda, walang nakikitang pangangailangan upang magsagawa ng mga loyalty check sa kanilang hanay.



Aniya, nagkausap na sila ni Brawner kaugnay ng nasabing isyu at nasabi na rin nito ang kanyang ginawang hakbang at pagsasampa ng kaso laban sa nasabing vlogger.

Samantala, itinanggi naman ni Acorda na panggigipit ang kanyang naging hakbang na paghahain ng kaso laban sa vlogger na si Johhny Macanas at paggalang at respeto sa freedom of speech and expression.



Sinabi ni Acorda na kung mali ang kanyang naging hakbang at sa tingin nila na pangha-harass, mayroon silang karapatan na mag-harap ng kaso at handa nitong harapin ang nasabing kaso. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">