Advertisers

Advertisers

5 lugar sa VisMin, may red tide

0 2

Advertisers

APEKTADO parin ng red tide ang limang lugar sa Visayas at Mindanao, ayon sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa abiso ng BFAR, kabilang sa limang lugar ang baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Lianga Bay sa Surigao del Sur, at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.

Sa pagsusuri ng BFAR, nakitaan ng Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang mga shellfish sa mga nasabing lugar.



Dahil dito, nanawagan ang BFAR sa publiko na huwag na munang kumain ng shellfish mula sa mga nabanggit na lugar. Pero ligtas namang kumain ng mga isda, pusit, hipon, at alimango mula sa mga tinukoy na lugar basta linisin nang husto bago lutuin.