Advertisers

Advertisers

Pinoy na ‘numerong hacker’ sa Asya timbog sa Las Piñas

0 20

Advertisers

ARESTADO ng mga operatiba ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang tinaguriang No. 1 ‘hacker’ sa Asia, sa ikinasang operasyon sa kanyang bahay sa Las Piñas City.

Sa ulat kay NCRPO Director, Major General Jose Melencio Nartatez Jr., nakilala ang suspek na si Edgar Silvano Jr., na nasakote ng mga tauhan ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng NCRPO sa bisa ng search warrant.

“This is started with the information from an asset, an informant. We applied for a search warrant to seize evidences dun sa crime that he is committing. At one time in 2001 he was dubbed as Asia’s number 1 hacker when he hacked or victimize one financial institution, international institution. In fact he was jailed in Hong Kong during the time,” ani Nartatez.

Nasamsam sa suspek ang isang 9mm na kalibre ng baril, ilang cellular phones, tablets, laptops, routers, at hard drive sa loob ng kanyang tahanan.

Nabatid din na noong 2016 sa Las Piñas City, nadakip na si Silvano ng National Bureau of Investigation (NBI) nang makuhahan ng mga pekeng credit card na may pangalan ng iba’t ibang tao, laptop at card printer. Ang kasong ito ay patuloy pang dinidinig sa korte.

Isasalang ang mga nasamsam na gadgets sa digital forensic ­examination para gamiting ebidensya laban sa suspek.

Magsasagawa rin ng financial investigation ang NCRPO para pagpaliwanagin ang suspek kung paano nagkaroon ng properties sa Laiya, Batangas; Cavite, Siargao, at Makati City na tinatayang higit P100-milyon ang halaga.

Kabilang din sa kinukuwestyon ang pagkakaroon ng mamahaling sasakyan ng suspek na 8 units ng big bikes, isang pick-up, at isang sports car.

Makikipag-ugnayan din ang NCRPO sa Anti-Money LaunderingCouncil (AMLC) kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon kay Silvano Jr.