Advertisers
ARESTADO ang isang senior na kabilang sa talaan ng mga most wanted person sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, Martes ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang nadakip na akusado na si alyas “Marilou”, 65 at residente ng Barangay Hulong Duhat ng lungsod.
Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito, napag-alaman ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police na may inilabas na warrant of arrest si Pasig City Metropolitan Trial Court, Branch 154 Presiding Judge Emilio Ramos Gonzales III laban sa akusado nito lamang January 16, 2024 para sa tatlong bilang ng Falsification of Public Documents under Art. 172 Par. 1 of the R.P.C..
Alinsunod sa pinaigting na kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga tauhan ng WSS sa pangunguna ni PCMS Edwin Castillo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Jo-Ivan Balberona ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusdo 10:35 ng gabi sa Sanciangco St., Brgy. Tonsuya.
Pansamantalang ipiniit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas commitment order mula sa korte.(Beth Samson)