Advertisers

Advertisers

POGO RAID NG GAB LEGAL!

0 1,355

Advertisers

Maraming ilegal na taktikang operasyon ang mga kompanyang banyaga na nagpapatakbo ng PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATOR (POGO) sa ating bansa para makaiwas sa mga bayaring buwis.

Halimbawa na lamang sa isinagawang raid ng GAMES AND AMUSEMENT BOARD (GAB) sa isang POGO OPERATOR noong December 23, 2023 sa PASAY CITY laban kina RYAN HAO, ELY CHAN, IAN LIM, BAO MA, RAYMOND TAN at NIE MING, ang may-ari ng XING YAO COMPANY na umuokupa ng 10 palapag na opisina sa HC BAY HOTEL sa PASAY CITY hinggil sa kasong paglabag sa PD 1692 (PRESCRIBING STIFFER PENALTIES FOR ILLEGAL GAMBLING).

Ang Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD) ay legal na dokumento para masigurong tama at ayon sa batas ang isasagawang pag-raid ng GAB/CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP sa opisina ng nasabing POGO operator.., kaya naman noong December 23, 2023 kasama ang mga tauhan ng GAB, Anti-illegal Gambling Unit (GAB,AIGU), Digital Forensic Unit, Anti-Cybercrime Group (DFU,ACG) and Intelligence Division, sumalakay ang CIDG sa nasabing opisina sa HC BAY HOTEL.



Bago pa magsagawa ng pagsiyasat at pagkumpiska ng mga gamit ng natukoy na POGO operator, sinabi ng mga empleyadong nasa opisinag ni-raid na sila ay nagtratrabaho para sa TRITECH TECHNOLOGY CORP. na may otorisadong INTERNET GAMING LICENSE (IGL) mula sa PAGCOR. Ipinakita pa ng nasabing kumpanya ang kanilang WEBSITE DECLARATION FORM mula sa OFFSHORE GAMING LICENSING DEPARTMENT ng PAGCOR at mayroon silang website o IGL na https://mswebvip3.bettingcloud.com.

Subalit, nang isagawa ng GAB/CIDG ang nasabing WSSECD sa mga computer devices ng TRITECH ay iba ang kanilang IGL kumpara sa ipinakita nila na kanilang website declaration form.., at hindi maipaliwanag ng mga empleyado ng TRITECH kung bakit ang IGL nila ay youguan8.cc/default.html#/d?id=ky at hindi ang nasa kanilang lisensiya.



Tuloy ay nadiskubreng ilegal ang operasyon ng TRITECH dahil umiiwas ito na magbayad ng tamang buwis sa gobyerno sa paggamit ng maling IGL.

Kinumpiska ng GAB/CIDG ang 200 unit ng desktop computer at peripherals, 5 CCTV, DVR, 200 piraso ng 50 Malaysian Ringgit at Php2.6 milyon na pera. Naaresto rin ang 171 banyaga mula sa CHINA, MALAYSIA, VIETNAM at MYANMAR. Ang kaso nila ay dininig sa PASAY PROSECUTORS OFFICE noong Enero 8.



Ang siste, may naglabasang report sa ibang MEDIA na ilegal daw ang isinagawang raid ng GAB-AIGU, at sinisisi ang mga opisyal ng GAB sa nasabing raid.

Batay sa kopya ng after-operation report mula sa PNP/CIDG at GAB-AIGU ay maliwanag na ang pagraid sa nasabing POGO operator ay dumaan sa tamang proseso.

Hindi gumamit ng dahas ang GAB-AIGU sa nasabing raid at walang kinumpiskang personal na gamit ng mga empleyado kundi ang mga devices na nagsisilbing ebidensiya ng paglabag sa PD 1602.., na lahat ng ebidensiya ay kinumpiska at may kaukulang resibo sa presensiya ni BARANGAY KAGAWAD LEZEL A. JARANILLA at BARANGAY EX-O ROMMEL GILLEGO ng BRGY 76, ZONE 10, PASAY CITY.

Mga ka-ARYA.., paano mare-resolba ang ilegal na operasyon ng mga banyagang POGO kung bawat legal na pag-raid sa kanilang opisina ay lalagyan ng kulay ng ibang kasamahan sa propesyon na base lamang sa haka-haka o ‘MARITES’.., ang dapat nga niyan ay ating purihin ang mga isinasagawang LEGAL OPERATIONS sa mga nambabalahurang negosyante lalo na sa hanay ng mga banyaga at huwag ang pambabatikos agad sa mga operatiba o mga ahensiyang
pinagkakatiwalaan ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.!

Ang ganitong operasyon laban sa mga nambabalahurang POGO OPERATORS ay dapat lalo pang paigtingin ng mga otoridad lalo na ng GAB na dapat ay tutok sa mga ganitong sistema at hindi ‘ningas kugon’ ang pagsasagawa ng operasyon.., ika nga, huwag maging kampante si GAB CHAIRMAN ATTY. RICHARD CLARIN upang walang DAYUHANG OPERATORS ang makapandaraya sa buwis na dapat nilang bayaran sa kanilang mga pagnenegosyo rito sa ating bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.