Advertisers

Advertisers

PRAKTIKAL NA PAGGAMIT NG KURYENTE ISINUSULONG NI MARCOS

0 8

Advertisers

MARIING ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaigting sa Government Energy Management Program (GEMP) na nagtataguyod ng praktikal na pagkonsumo ng enerhiya ng mga ahensya ng gobyerno.

Batay sa Administrative Order No.15, inatasan ni PBBM ang lahat ng national government agencies, kasama ang government-owned or -controlled corporations, na magdoble-kayod sa pagpapatupad ng mga solusyong binuo ng GEMP at Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee.

Kabilang dito ang pagsasagawa ng energy audits at random energy spot-checks mula sa certified energy auditors, pagsusumite ng inventory ng mga kagamitang kumokonsumo ng enerhiya tulad ng mga pailaw sa mga gusali at kalsada, heating, ventilation, at aircon, insulation, at mga sasakyan.



Pinatitiyak din ng pangulo ang pagsunod sa mga alituntunin ng Department of Energy, at pag-adopt ng mga low-cost energy efficiency and conservation measures tulad ng pagpapanatili sa 24°C na temperatura ng airconditioning, pagpatay sa mga hindi ginagamit na ilaw at aircon, at pag-activate ng sleep settings sa mga kagamitan sa mga opisina.”

Kasabay nito, ipinag-utos din ng Pangulo ang pagbuo ng mekanismo sa pag-monitor ng kanilang konsumo sa enerhiya sa ilalim ng pinaigting na GEMP.



Kaya inatasan ang mga national government agencies na isumite ang mga kaukulang ulat na inoobliga ng Department of Energy (DOE).

Pinagtatalaga rin sila ng Energy Efficiency and Conservation (ECC) officer at focal person, i-adopt ang DOE-GEMP online system sa monitoring at reporting ng energy consumption, i-update ang mga hakbang sa pagtitipid sa enerhiya, at maglaan ng sapat na pondo para sa Energy Management Program.



Samantala, binigyan din ng direktiba ang DOE para makipagtulungan sa Presidential Communications Office (PCO) upang maipalaganap sa government offices at sa publiko ang mga hakbang sa praktikal na paggamit ng enerhiya sa bansa. (Gilbert Perdez)