Advertisers

Advertisers

HALOS 10K PDLs NAPALAYA NG MARCOS ADMIN

0 7

Advertisers

IBINIDA ng pamahalaan na nadagdagan pa ang bilang ng mga persons deprived of liberty o PDLs na napalaya sa ilalim ng Marcos administration.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni Department of Justice Undersecretary Margarita Gutierrez na bilang bahagi ng decongestion program ng pamahalaan ay pumalo na sa 9,228 PDLs ang napalaya ng Bureau of Corrections o BuCor.

Aniya, batay sa datos ng BuCor, 3,372 PDLs ang napalaya mula July 2022 hanggang December 2022 habang 5,856 naman sa buong taon ng 2023.



Paliwanag ni Gutierrez, kabilang sa mga nakalaya ay mga acquitted o abswelto sa kaso, nakapagsilbi na ng kanilang sentensiya, at nagawaran ng parole at pardon.

Sinabi pa ni Gutierrez na ang pagbibigay ng serbisyong legal, pag-amyenda sa Rules of Parole and Executive Clemency at iba pa ay ilan lamang sa mga hakbang ng BuCor upang mapabilis ang pagpapalaya sa mga PDL at maibaba ang congestion rate sa mga piitan.



Dagdag pa ng DOJ official, papalo naman sa 389 pang PDLs ang nakatakdang mapalaya ngayong January 2024. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">