Advertisers

Advertisers

Private vehicles pansamantalang papayagang dumaan sa EDSA Busway

0 23

Advertisers

PANSAMANTALANG pinapayagang dumaan ang mga pribadong sasakyan sa bahagi ng EDSA Busway mula Nepa Q Mart hanggang Boni Avenue simula nitong Lunes, Nobyembre 2.

Ayon kay Department of Transportation o DOTr Secretary Vince Dizon, ipatutupad ang hakbang para mabigyang-daan ang isasagawang pag-aaspalto ng pangunahing kalsada bilang bahaging EDSA Rehab Phase 2 Project.

Inaasahang tatagal ng dalawang linggo ang rehabilitasyon kaya ipapagamit muna sa mga pribadong sasakyan ang naturang bahagi ng EDSA Busway.



Ito ay para mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko sa lugar.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na sundin ang mga ipatutupad na traffic advisory at mga alituntunin ng mga awtoridad habang isinasagawa ang proyekto.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">