Advertisers

Advertisers

MNLF ITINANGGI KINAKANLONG SI SEN. BATO

0 32

Advertisers

ITINANGGI ng Moro National Liberation Front (MNLF) na pinoprotektahan nito si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, kasunod ng mga espekulasyong nagtatago ang mambabatas sa isang makapangyarihang armadong grupo sa Mindanao.

“The claim that the MNLF may be protecting him is speculation, not a confirmed fact. Reports emphasize that the MNLF is fragmented and that it is uncertain whether the Misuari faction would—or could—shield him from arrest,” pahayag ng MNLF Information Committee.

Binigyang-diin pa nito na walang kumpirmadong ebidensiya na kasalukuyang nasa ilalim ng proteksiyon ng organisasyon si Dela Rosa, nilinaw na walang naitatag na pormal na ugnayan sa pagitan ng senador at ng MNLF.



Ayon sa MNLF, ang mga naging pahayag ni Dela Rosa tungkol sa grupo ay pangunahing may kaugnayan sa karanasan niya sa labanan noong siya ay estudyante sa Marawi, gayundin sa pagsuporta niya sa mga programang nakalaan para sa mga dating mandirigma at kanilang mga anak.

Samantala, kinilala ng MNLF ang pagkakaugnay ni Dela Rosa sa mga personalidad na may koneksiyon sa organisasyon, partikular ang dating Pangulo Rodrigo Duterte, na kaibigan ni MNLF founder Nur Misuari.



Gayunman, iginiit ng grupo na “there is no verified evidence that he is an MNLF member, ally in an operational sense, or currently being protected by the group.”

Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad si Dela Rosa dahil sa kinakaharap niyang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">