Advertisers

Advertisers

4 patay, 1 sugatan sa sunog sa Lucena City

0 52

Advertisers

NASAWI ang apat katao at 1 ang sugatan sa sunog na tumupok sa may 15 kabahayaan sa Lucena City, Quezon, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lolit Lubiano, 72 anyos; Juanito Hernando, 65; Jay Mark Hernando, 18, estudyante; at Mark Raniel, 8.

Samantala, nilalapatan ng lunas sa ospital nang magtamo ng 2nd degree burn si Margarita Punzalan.

Sa report, 3:45 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa Ibarra St., Brgy 1, Lucena City

Natutulog ang mga biktima nang sumiklab ang sunog na mabilis na kumalat sa buong kabahayaan.

Agad rumisponde ang mga bumbero upang apulain ang apoy at itinaas sa ikalawang alarma ang sunog.

Dakong 6:25 ng umaga nang maapula ng mga bumbero ang sunog at ideklarang ” fire out”.

Nang magsagawa ng clearing operation ang mga otoridad, tumambad ang labi ng mga biktima na trap sa loob ng bahay na tinupok ng apoy.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.(Mark Obleada/Koi Laura)