Advertisers

Advertisers

Dalaga huli sa P3.5m droga

0 6

Advertisers

Kulong ang isang dalaga nang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Pili, Sariaya, Quezon, Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Sariaya police Chief, Police Major Romar Pacis, ang suspek isang alyas Sharon, 47, ng Brgy. Isabang Tayabas City at nakatala bilang “Newly Identified Drug Personality.”

Alas-2:00 ng madaling araw nang matiyumpahan ito ng mga awtoridad nang matiktikan na may malaking bulto ito ng droga na naipuslit patungo sa Quezon mula sa kanyang pinag-aangkatan sa isang lugar sa Alabang, Metro Manila.



Kumagat ito sa buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Sariaya police.

Nakumpiska dito ang 4 na Knot tie Transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 175.98 at may street value na P3,589,992.00.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">