Advertisers
HUMANTONG sa suntukan ang nagkainitang taxi driver at truck driver dahil sa gitgitan sa kalsada sa Mandaue City, Cebu.
Sa kuha ng isang saksi, nakahinto ang taxi habang nasa gilid nito ang truck driver na nakaberde.
Maya-maya pa, umandar ang taxi kahit nakabukas ang pinto sa passenger side.
Sumunod naman ang truck driver at sumampa sa gilid ng taxi, bago pinilit na hilahin palabas ang taxi driver.
Nang hindi niya ito mahila, pinaghahampas na ng truck driver ang taxi driver.
Lumabas ang taxi driver at humantong na ito sa suntukan.
Inilahad ng Mandaue City Traffic Office na nagkausap rin ang dalawang driver at nagkasundong hindi na sila magsasampa ng reklamo laban sa isat isa.