Advertisers

Advertisers

Klasiko!

0 6

Advertisers

Sayang na hindi inere sa telebisyon ang Lakers-Warriors game noong Linggo. Super exciting yon na umabot pa sa dalawang overtime at na-settle lang winner sa huling segundo.

Gaya ng inaasahan nagbida si LeBron James sa Los Angeles at si Steph Curry sa Golden State.

May 36 na puntos, 20 rebounds at 12 assists si King James habang si Curry may 46 p, 3 r at 7 a.



Yan palang ang una sa apat na salpukan ng dalawang koponan sa season na ito pero parang kampeonato ang dating.

Sa Estados Unidos nationally televised ang match kasi batid nila ang kahalagahan at magiging takbo ng laro.



Gising NBA TV Philippines at One Sports! Na-deny nyo ang viewers ng isang klasiko.

***



Alam nyo ba sinong naging NBA cager ang may pinakamalaking growth spurt? Siya si David Robinson na tumangkad mula sa height na 5’9 ay umabot ng 7’1 ang sentro ng Spurs. Ito ay mula edad na 14 hanggang 18 na taon.

Si Anthony Davis naman tumaas ng 8 inches sa sukat na 6’2 papunta sa 6’10. Ito ay naganap nang siya ay kinse at disisiyete.

Tapos si Scottie Pippen ng Chicago ay pitong pulgada mula katorse hanggang disisiyete. 6’1 naging 6’8 ang kakampi ni Michael Jordan sa Bulls.

Ire raw si Pepeng Kirat ay umakyat sa 5’6 gaking 5’2 noong haiskul. Maliit pa rin para maging basketbolista sa PBA. Hehe.

***

Maagang magbabakasyon ang Barangay Ginebra. Hindi kasi inaasahan na mawalis sila ng San Miguel sa semis ng PBA Commissioner’s Cup.

Dinaig ng Beermen ang kanilang sister team sa tatlong laro sa kanilang best-of-five. Naisahan ni Coach Jorge Gallent ang paboritong si Coach Tim Cone.

Tingnan natin kung mapuno ang venue sa finals na wala ang crowd favorite Ginebra San Miguel.Hindi rin daw gaano kikita ang mga scalper.

***

Tahimik si Manny Pacquiao sa iringan ng Senado at Kongreso hinggil sa mainit na isyung people’s initiative. Pareho siyang naging miyembro ng dalawang kapulungan. Baka abala sa nilulutong bakbakan nila ni Floyd Mayweather Jr o sadyang walang paki.