Advertisers

Advertisers

Operators ng UV Express, umaray sa paglobo ng MC Taxi

0 18

Advertisers

Umaaray na rin ang mga operators ng UV Express na apektado sa paglobo ng mga MC Taxi sa Metro Manila.

Sa panayam kay Raphael “Alpha” Martinez , operator at presidente ng National Federation of UV Express , sila kasama ng mga Jeepney operators ay nakakaisa para itaguyod ang patas na merkado, pantay na karapatan at pagpapanatili ng kabuhayan.

Aniya, hindi naman sila tutol sa mga MC Taxi ngunit hiniling nila sa gobyerno partikular sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), na pag-aralang mabuti ang implimentasyon at pilot study nito .



Ngayong araw, naghain ng petisyon ang nasabing samahan kasama ang kanilang legal counsel upang hilingin sa Mandaluyong Regional Trial Court na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) para itigil ang pagpapalawak ng MC Taxis sa bagong teritoryo at pigilan ang pagpasok ng mas marami pang kumpanya.

Ayon kay Martinez, ang pagpapalago ng nasabing transportasyon ay hindi lamang nakakaapekto sa kanilang pangkabuhayan kundi nilalabag din ang regulasyon ng gobyerno at kapakanan ng publiko o komyuters.



Dagdag pa ni Martinez, hindi lamang ito tungkol sa kumpetisyon kundi tungkol sa kaligtasan ng kanilang sektor na naglilingkod sa komyuter sa loob na ng maraming taon.

Malaki aniya ang epekto sa araw-araw na kita ang pagpasok ng mga MC Taxi sa kanilang mga ruta.



“Hindi tayo tutol sa inobasyon o sa ebolusyon ng pampublikong transportasyon, ngunit matibay tayong naniniwala na ang anumang pagbabago ay dapat na responsable ,nakabatay sa datos, at isinasaalang -alang ang lahat ng stakeholders”,giit pa ni Martinez.

Ang MC Taxi Pilot Study na ngayon ay nasa ika-limang taon ay nilayon upang iregular at suriin ang bisa ng mga MC Taxi bilang Isang opsyon sa pampublikong transportasyon.

Gayunman, wala pa ring inilalabas na datos at findings ang gobyerno at sa halip na tapusin ang pag-aaral, sinabi ni Martinez na may nagbabadya pang banta sa ating komunidad.

Panawagan niya, bago gumawa ng anumang susunod na hakbang ay tapusin muna ang pilot study ng MC Taxi, huwag palawakin ang players.

Iminungkahi rin ng grupo na magkaroon ng isang kolaboratibong pamamaran na kasama ang lahat ng stakeholders sa pagpaplano at pagpapatupad ng modernong solusyon sa transportasyon.

“Naniniwala kami na dapat isaalang-alang ng gobyerno ang mga pag-aaral sa epekto sa trapiko ,mga pagsusuri sa kaligtasan at mga pagsusuri sa epekto sa ekonomiya sa mga umiiral na operator ng PUV” saad pa ni Martinez.

Ang paghahain ng petisyon ay matapos kumpirmahin ng Technical Working Group (TWG) sa isang public hearing noong Disyembre 2023 na magdadagdag ng pitong kumpanya at magpapalawak pa ng MC Taxis sa mas maraming lugar.(Jocelyn Domenden)