Advertisers

Advertisers

15,000 residente ng Bacolod walang birth certificate

0 5

Advertisers

NASA 15,000 na indibidwal sa Bacolod ang walang birth certificate.

Sinabi ni Hermilo Paoyon, city civil registrar, mahigit sa 19,000 na indibidwal ang nagsumite ng kanilang mga dokumento para sa verification base sa kanilang rekord.

Upang matugunan ito, sinabi ni Paoyon na tinututukan nila ang kanilang mobile birth registration sa mga barangay upang matiyak na lahat ng mga tao rito ay magkakaroon ng mga kopya ng kanilang birth certificate.



Nasa 1,500 na indibidwal na ang nagparehistro sa pamamagitan ng mobile birth registration, bahagi ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni Paoyon na ang pagkuha ng birth certificate sa pamamagitan ng BRAP ay libre. Kapag naproseso na sa pamamagitan ng BRAP, inaasahang mailalabas ang mga birth certificate sa loob ng tatlong buwan.



Para sa mga interesadong mag-avail, sinabi ni Paoyon na maaari silang bumisita sa kanilang tanggapan sa Bacolod City Government Center (BCGC) at tutulungan sila ng kanilang mga tauhan sa proseso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">