Advertisers

Advertisers

2 aktibista kakasuhan ng grave oral defamation

0 6

Advertisers

INIREKOMENDA ng mga prosecutor ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong ‘grave oral defamation’ laban sa dalawang environmental activist na sina Jhed Tamano at Jonila Castro.

May kaugnayan ito sa naging pahayag nila na dinukot sila ng mga sundalo.

Base sa 15-pahinang resolution na inirekomenda ng panel of prosecutors, sasampahan ang dalawa ng magkahiwalay na kasong grave oral defamation.



Una nang nagsampa ng kasong perjruy ang 70th Infantry Batalion commanding officer Ronnel Dela Cruz.

Magugunitang Setyembre 2023 nang ipalabas ng NTF-ELCAC na sumuko ang dalawa sa 70IB sa Dona Remedios Trinidad sa Bulacan.



Subali’t itinanggi ng dalawa na sila ay sumuko at nanindigan na dinukot sila.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">