Advertisers

Advertisers

Pekeng sundalo huli sa pagbebenta ng armas

0 10

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki nang mahulihan ng iba’t ibang uri ng armas sa Muntinlupa City.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Brigadier General Mark Pespes ang nadakip na suspek sa alyas na Casio, 55 anyos, isang tricycle driver.

Hinainan ng search warrant ang suspek na nagpakilalang isang dating sundalo. Bago inaresto, isang buwan na tiniktikan ng mga otoridad ang suspek.



Sa isinagawang pagsalakay sa bahay ni Casio, nakumpiska ng mga operatiba ang isang Sentry special CTG; kalibre .38 revolber (SN. R94VF008) na kargado ng 6 bala; isang replica ng Beretta .9mm na may magazine; isang Armino kalibre .22 rebolber; isang improvised shotgun (sumpak) na kargado ng limang bala; at isang kalibre .22 rifle na may magazine na kargado ng limang bala.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunition ang suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">