Advertisers
PAPALO ang ikatlong edition ng Philippine Volleyball Federation (PNVF) Champions League sa Pebrero 4, sa Rizal Memorial Colesium.
Sinabi ni PNVF president Ramon “Tats “ Suzara pro teams Cignal HD, Chery Tiggo at PetroGazz pati na rin ang Philippine Army ang mangunguna sa mga kalahok sa women’s division.
Sasabak rin ang College of Saint Benilde,na nagwagi ng titulo noong Nobyembre na ang annual tournament ay pansamantalang pinangalanang Challenge Cup.
Ang kumpetisyon sa men’s division ay magsisimula sa Pebrero 11.
Makakasama ng Cignal HD sa Pool A ang top men’s club squads PGJC Philippine Navy, Savouge Spin Doctors at College of Saint Benilde, habang ang Pool B ay ang VNS Asereht Griffins, Iloilo D’Navigators, Philippine Air Force at Philippine Army.
“The PNVF is starting 2024 in earnest with the Champions League as we kick off another busy volleyball schedule,” Wika ni Suzara sa pahayag Lunes.
Inanunsyo rin ni Suzara na ang Pilipinas ay muling mag host ng Volleyball Nations League sa Hunyo at ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Disyembre.
Nasungkit ng Team Dasma Monarchs ang men’s title sa inaugural staging ng Champions League sa 2021 habang ang Cignal HD umangkin sa korona sa sumunod na taon.
Sa women’s division, nakamit ng F2 Logistics ang championship sa 2021 habang ang California Precision Sports-Antipolo City ang naguwi ng titulo sa 2022.