Advertisers
Ni BETH GELENA
DUMALO si Willie Revillame sa protest rally na ginanap sa Davao City nitong nakaraang Linggo.
Ibinahagi ni Kuya Will ang tungkol sa pag-alok sa kanya ni dating pangulong Rody Duterte na tumakbo bilang senador.
Pero tinanggihan anya niya ang alok dahil that time ay may kontrata pa raw siya sa GMA7 and besides ay hindi pa siya handa para sa pulitika.
This time, pinagdasal daw niya ang kanyang desisyon at sa tingin daw niya ay handa na siyang tumakbo sa taong 2025 bilang senador.
Aniya, “Palagay ko, handa na ako. Handa ho ako gumawa ng kabutihan, handa ako magsilbi hindi lang sa bayan. Handa akong magsilbi sa ating kabababayan na nangangailangan ng tulong.”
***
JOHN PRATS MAY KATIGASAN ANG ULO
HUMINGI si John Prats ng pasensya sa asawang Isabel Oli sa kanilang wedding anniversary post.
May posted na new reel ang actor/direktor kung saan nag-celebrate sila ni Isabel ng 11 years as a couple.
“Happy 11th wifey! Thank you for loving us sooo much. Minsan pag pasensyahan mo na katigasan ng ulo. I appreciate you and I love you sooo much! Cheers.”
Tatlo na ang anak ng celebrity couple – Feather, Freedom and Forest.
***
Nainggit kay Gladys
VICE MULING GAGAWA NG PELIKULA
MULING gagawa ng movie si Vice Ganda with director Jun Lana.
Um-attend si Meme ng 20th wedding anniversary nina Gladys Reyes at Christopher Roxas at doon niya nakwento na gusto niyang gumawa muli ng pelikula.
Sey ng It’s Showtime host, “Napanood ko kasi yung movie niya, yung ‘Kwentong Barbero’ (movie of Gladys), eh meron akong project with Direk Jun. Sabi ko ay sakto, eh Jun Lana baby siya, so sabi ko sana sa next project ko sabihin ko kay Direk Jun magsama na kami sa next project ko.”
Ang huling movie na ginawa ng TV host ay ang Metro Manila Film Festival entry Partners in Crime two years ago with Ivana Alawi.
“Parang first time ko uli na nag-film fest,” aniya nang makuhanan ng panayam describing his experience joining the MMFF again in an interview back in 2022.
“Masaya naman. Nakakatuwa, ang daming tao sa mall. Ang daming tao sa sinehan. Nakakatuwa. Nalulutang nga ako eh. Nao-overwhelm ako. Hindi ko naiintindihan ‘yung nararamdaman ko. Natutulala ako, parang naninibago uli ako,” pag-amin niya.
Natutuwa raw siya dahil muling bumalik ang sigla ng MMFF nitong nakaraang film festival.
“Ninenerbyos din ako kasi hindi ko alam kung ano dadatnan ko sa mall pagpunta ko. Dasal lang ako nang dasal. Sa kotse, sabi ko, bahala ka na Lord. ’Tas ayan oh, pagdating namin, ang daming tao sa sinehan. So bumalik na uli, ‘di ba? Achieve!”