Advertisers
LUMAGDA si Bryan Bagunas sa Cignal HD Spikers sa Spikers’ Turf, para tapusin ang paglalaro sa ibat-ibang teams sa overseas.
Inilahad ng HD Spikers ang ‘homecoming ni Bagunas Martes na ang high-flying open spiker ang pupuno sa puwesto na iniwan ni Marck Espejo, na humiwalay sa club matapos ang limang taon.
Ang 26-yer-old Bagunas ay nagbuhat sa overseas stint simula 2019, naglaro sa Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japanese V.League bago palakasin ang Win Streak sa Taiwan.
Naglaro siya sa lokal league sa unang pagkakataon simula 2019, kung saan angkop na angkop sa Philippine Air Force. Bago pa yan, naging bahagi siya ng Sta Elena- NU squad.
Ang dating National University standout ay sasali sa nakasalansan na Cignal side na tampok ang ibang stars gaya nina Joshua Umandal,JP Bugaoan, Wendel Miguel, at Lloyd Josafat.