Advertisers

Advertisers

Hidilyn Diaz Thailand muna bago ang Olympics

0 4

Advertisers

MAY isang torneo pang pinaghahandaan si Pinay Olympic weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo bago ang tuluyang pagsabak sa Paris Olympics.

Labis na ang kaniyang ginagawang ensayo para sa International Weightlifting Federation (IWF) World Cup na gaganapin mula Abril 2 hanggang 11 sa Phuket, Thailand.

Ito aniya ang kaniyang huling torneo bago ang final Olympic rankings ay mailabas kung saan maituturing na kumpulsary event ito.



Ang top-10 na manlalaro ay tiyak na ang pagsabak sa Paris Olympics.

Bagamat nasa pang-pito ang puwesto niya ay matindi pa rin ang ensayo niya para sa nasabing torneo sa Thailand para hindi ito malaglag.



Ang 32-anyos na Zamboanga City weightlifter ay nagwagi ng silver medal sa 2016 Rio de-Janeiro Olympics bago ang kauna-unahang gold medal nito noong 2021 Olympics.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">