Advertisers

Advertisers

‘Di nagpautang ng P1K kinatay ng kasamahan

0 38

Advertisers

ARESTADO ang isang construction worker ilang buwan nang patayin nito ka-trabaho na tumangging magpahiram sa kanya ng P1,000 sa Cainta, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Jericho Echane.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na duguan at nakagapos ang mga kamay at paa sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig noong Agosto 1, 2023.

Kinilala ang mga katrabaho ng biktima bilang mga suspek, na pagnanakaw ang motibo ng krimen.

“Itong suspek, initially, pilit na nangungutang [sa biktima]… Hindi napagbigyan dahil itong biktima ay nag-iipon para sa planong pagpapakasal sa girlfriend niya,” ani Pasig City Police chief Colonel Sacro.

Matapos ang limang buwan, ang 34-anyos na si Arlo Medalla ay nadakip ng Mobile Force Battalion ng Eastern Police District na may warrant for robbery with homicide.

Iginiit ng suspek na accessory lamang siya sa krimen at talagang pinatay ng tatlo nilang kasamahan sa trabaho ang biktima sa galit dahil tumanggi ang biktima na magpahiram sa kanya.

“Apat po kasi kami… Sinamahan ko lang sila,” sabi ni Medalla. (Boy Celario)