Advertisers

Advertisers

E-lotto operation pinatitigil ng Senador

0 57

Advertisers

UMAPELA si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na itigil na ang pilot testing ng “e-lotto” o ang digital version ng lottery games.

Sa panayam ng Super Radyo dzBB, sinabi ni Pimentel na dapat munang suriin ang mga feature ng bagong lunsad na e-lotto sa gitna ng mga posibleng panganib.

“Pinapadali ba nito na mag-place ng multiple bets or posible ba na dahil sa computer system na ma-cover mo lahat ng combinations? Matayaan mo lahat ng combinations? Kasi pwede mong i-compute ‘yun eh, pwede ka naring mag-risk doon,” wika ni Pimentel.



“Kailangan maintindihan natin ito. Kaya ‘yan pilot testing nila, kung pwede ihinto narin po ‘yan,” saad pa ng senador.

Matatandaang Disyembre 2023 nang sinimulan ng PCSO ang pilot test ng e-lotto, isang digital lottery platform na naka-target para gawing maginhawa at accessible ang pagtaya para sa mga Pilipino.



Kasalukuyang makikita ito sa website ng PCSO at maaaring i-download sa android devices. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">