Advertisers

Advertisers

“Mabuti kayo may P51 billion!”

0 42

Advertisers

GUSTO ni ex-President Rody “Digong” Duterte maging “independent” o ihiwalay na ang Mindanao sa Pilipinas.

Pero tutol dito ang maraming mambabatas sa Mindanao. Dahil kawawa raw ang mga distrito na maliliit at mahihirap, lalong madedehado.

Maaapektuhan din ang ekonomiya ng Pilipinas.



Ang Mindanao ay 2nd largest island sa Pilipinas, pangalawa sa Luzon. Ang biggest city nito ay ang Davao na pinamunuan ng mga Duterte simula pa 1986 hanggang ngayon.

Sabi ni House Majority Leader, Zamboanga City Representative Manuel Jose Dalipe, kapag hiniwalay ang Mindanao sa Pilipinas ay magbubunga ito ng matinding negative impact sa ekonomiya ng bansa sa kabuuan.



“Mabuti ang distrito nila (Davao City) may P51 billion. Paano ang ibang distrito na wala, kawawa, lalong madehado.” sabi ni Dalipe. Tama!

Ang 1st district ng Davao City, na kinatawan sa kongreso ng anak ni Digong na si Paolo, ay nakakuha ng P51 billion “infrastrature projects” sa huling tatlong taon ng termino ng kanyang ama kungsaan 1st termer si Paolo. Ang halagang ito, sabi ni House Speaker Martin Romualdez ay “sobra sobra”. Ang isang distrito ay mayroon lamang dapat P500 million hanggang P4 billion infra projects (depende sa laki ng erya) kada taon.



Si Paolo ay nagwala nang tapyasan ang kanyang hirit na P2 billion “infra projects” at binigyang lamang ito ng P500 million para sa taon 2024.

 

Tutol din si Cagayan de Oro Rep. Rufos Rodriguez na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas,

 

Sinabi naman ni retired Supreme Court Sr. Associate Justice Antonio Carpio, labag sa Konstitusyon ang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas. “Hindi ito puwede”.

Ang Pilipinas ay binubuo ng Luzon, Visayas at Mindanao. Kapag inihiwalay ang Mindanao, hindi na ito Pilipinas.

Kalokohan talaga ni Digong!!!

***

Sa kabila ng pagiging kalmado ni Pangulong “Bongbong” Marcos sa pagwakwak sa kanya ng mag-aamang Duterte (Rep. Paolo, Mayor Baste at ex-Pres. Digong), hindi parin tumitigil ang matandang Duterte sa pag-atake kay Marcos Jr.

Oo! Nitong Miyerkoles hinamon ni Digong si Bongbong na magpa-drug test, matapos niyang ipagsigawan sa isang people’s rally sa Davao City nung Linggo na adik si PBBM.

Wala pang reaksiyon dito ang Malakanyang. Pero kung ako kay PBBM, tatanggapin ko ang hamon ni Digong na drug test basta’t sabay sila.

Ang tanging naging reaksiyon ni PBBM nang tawagin siya ni Digong na “adik na presidente” ay: “Epekto lang ng Fentanyl” yan.

Si Digong ay matagal umanong gumamit ng Fentanyl nang maaksidente ito sa motorsiklo.

Ang Fentanyl ay isang malakas na gamot para pain reliever pero ito ay nakaka-adik, 50 times ang lakas sa heroin at 100 times ang lakas sa morpina. Check n’yo lang po sa Google.

***

Sabi ng mga political analyst, para matigil na ang hidwaan sa pagitan ng pamilya Marcos at Duterte ay kailangan ang sacrificial lamb, si House Speaker Martin Romualdez.

Si Romualdez, pinsan ni PBBM, ang itinuturong nasa likod ng people’s initiative tungo sa charter change. Siya rin daw ang rason kaya nawala ang bilyones na intelligence funds ni Vice President Sara Duterte, at natapyasan ang bilyones na pondo para kuno sa mga proyekto ni Paolo sa kanyang distrito sa Davao City.

Pero sa ganang akin, hindi gagawa ng anumang hakbang si Romualdez nang walang bendisyon ni PBBM.

Say n’yo mga pare’t mare?