Advertisers

Advertisers

Mekaniko nilamon ng makina

0 57

Advertisers

KALUNOS-LUNOS ang pagkamatay ng isang mekaniko nang aksidente mahulog at higupin ng makinang ginagamit sa pagpuputol ng mga bakal sa steel manufacturing company sa Barangay Tubigan, Biñan City, Laguna, Martes ng hapon.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan at hindi na nagawa pang itakbo ng ospital si Dionel Atienza, 48 anyos, ng Canlalay, Biñan City, at trouble shooting mechanic sa Sagarthama Steel Trading Corp.

Nabatid na kakatapos lamang kumpunihin ng biktima ang naturang makina at paalis na ito sa erya nang mangyari ang aksidente.



Sa kuwento ng pinsan ng biktima, magkasunod silang naglalakad ni Atienza nang mula sa kanilang likuran au nakarinig siya ng ingay na nagmumula sa makina.

Nakita pa nito ang isang katrabaho na sumisigaw na patayin ang makina.



Nang maihinto ng operator ang makina, nakita ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima na nilamon ng crop shear machine, ang makinang ginagamit sa pagpuputol ng mga bakal at iba pang klase ng metal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">