Advertisers

Advertisers

6 patay, 1 ‘missing’ sa landslides, baha sa Davao de Oro

0 44

Advertisers

UMABOT na sa anim katao ang nasawi sa Mindanao dulot ng malakas na pag-ulan at landslides dala ng low pressure area (LPA).

Ayon kay municipal disaster officer Romeo Tublag, tatlo sa mga namatay ay nagmula sa Maragusan, Davao de Oro, isa sa pinaka-nasalanta kasama ng kalapit na bayan.

“Our town is surrounded by mountains so landslides are an ever-present threat. It’s been raining almost daily here,” wika ni Tublag.

Sa New Bataan, patay sa landslide ang isang lalaki habang inanod ng baha ang isang babae. Nakuryente naman ang isa pang lalaki sa labas ng kanilang bahay, ayon kay disaster official Aeona Armocilla.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, umabot na sa 80 insidente ng pagguho ng lupa ang nangyari sa mga sumusunod na lugar dahil sa LPA: Davao de Oro, Davao Oriental, Davao City, Agusan del Sur, at Surigao del Sur.

Nasa 52 insidente naman ng pagbaha ang naitala sa kabuuan ng Region XI (Davao Region).

Napilitan nang sumilong sa evacuation centers ang 19,374 katao sa Davao Region at CARAGA, bagay na bahagi lang ng kabuuang 98,793 nasalanta.

Una nang inendorso ni House Speaker Ferdinand Romualdez ang pagpapalabas ng P150 milyong financial assistance ng gobyerno para sa mga biktima ng baha sa Davao Region.(Jocelyn Domenden)