Advertisers
ARESTADO sa magkahiwalay na entrapment operation ang dalawang babae na nagsasagawa ng dental procedure ng walang lisensya sa Marawi at Cotabato.
Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR) ang mga pekeng dentista.
Nahuli si alyas “Biai” sa Barangay Rosary Heights, Cotabato City; habang si alyas “Hafsah” ay nadakip sa Brgy. Malutlut, Marawi City.
Sinabi ng CIDG-BAR, matagal na nilang sinusundan ang iligal na gawain ng mga suspek.
Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na suriin kung lehitimo o peke ang isang dentista sa pamamagitan ng pagtingin sa business permit at iba pang lisensya.