Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MASAYA at ikinagulat ni Martin del Rosario na panggabi ang serye nilang Asawa Ng Asawa Ko.
“Siyempre proud kasi unexpected, e!
“Alam namin lahat na Afternoon Prime kami tapos biglang GMA Telebabad, so something to be proud of, di ba,” saad ni Martin.
May dream role pa ba siya?
“Parang gusto ko romantic roles naman kasi nagawa ko na yung kontrabida, tapos ngayon mabait, parang gusto ko naman yung romance, yung tungkol sa malalim na pag-iibigan.”
Kinumusta naman namin kay Martin ang tungkol sa lovelife niya…
Lahad ni Martin na nakangiti, “Wala single pa din, pero nagdi-date naman.”
Non-showbiz daw ang dine-date ni Martin sa ngayon.
Choice ba ni Martin na non-showbiz ang makarelasyon?
“Oo. Pero ngayon kasi hindi ako naghahanap. Pero based dun sa mga past relationships ko, lahat sila non-showbiz.
“Pero kasi kung may dumating na tao na from showbiz hindi ko mapipigilan iyon. Ang love naman, basta dumarating, di ba?”
Maglilimang taon na ngayon na walang karelasyon si Martin.
Pero kahit loveless siya ay happy si Martin.
“Actually ngayon sobrang masaya ako,” lahad ng Kapuso actor. “Kasi na-realize ko na kapag naka-focus ako sa sarili ko, I mean lahat ng mga goals ko nakukuha ko ngayon.
“Nakakapag-ipon ako, may negosyo ako, may mga nabibili ako for myself, for my family, lahat ng hindi ko nagawa nung time na wala ako sa focus, so… I mean ngayon na thirty one na ako proud ako sa mga na-accomplish ko sa sarili ko.”
Ang negosyo raw ngayon ni Martin ay may kinalaman sa pagsu-supply ng mga gamot.
“Sa mga LGUs [local government units], mga medicines and medical supplies.”
Sa Asawa Ng Asawa Ko ay gaganap si Martin bilang si Jeff kung saan mga lead stars sina Rayver Cruz as Jordan, Jasmine Curtis-Smith as Cristy, Joem Bascon as Leon at Liezel Lopez as Shaira.
Tampok din sa Asawa Ng Asawa Ko sina Gina Alajar as Carmen, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Kzhoebe Baker as Tori, Quinn Carillo as Leslie, Patricia Coma as Pusa, Luis Hontiveros as Alakdan, Kim de Leon as Kuwago, Crystal Paras as Nonette, Billie Hakenson as Buwaya, Ian Ignacio as Igat, at Bruce Roeland as Bakulaw.
Sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen, ang Asawa Ng Asawa Ko ay napapanood tuwing 9:35 pm sa GMA Prime.