Advertisers
Eto ngayon ang sentimiyento ng mga peryanteng mistulang nabudol ng samahang pinamumunuan ng misis ni Boy Life ng Batangas.
Ayon sa ating mapagkakatiwalaang sources, nagrereklamo at dumaraing na ang ilang peryante sa epekto sa kanila ng nasabing Senate hearing tungkol sa intelehensiyang inilapit ng grupo. Lalo’t higit sa binanggit nilang rehiyon, (Region1) ganung ang karamihan sa mga miyembro dito ay taga Batangas at Rizal na sakop ng Region 4A.
Taliwas daw umano ito sa ipinangako sa kanila ng grupo na mapaliit ang nasabing intelehensiya.
Ang layon daw kasi ng grupo ay mapaliit ang kanilang mga obligasyon sa kalakarang kinagisnan at makapag hanap-buhay ng maayos ang mga peryante, kapalit ang membership fee na sinisingil ng grupo sa halagang P50k to P100k depende sa kakayahan at laki ng inilalagay na perya ng mga operator at may monthly dues pang 20k ang bawat miyembro.
Diyos ko pong mahabagin! Lumapit sa Senado para mapaliit ang gastusin sa intelehensiya?
Mukhang budol ang nangyari, hindi ba mas gumastos pa ang ilang miyembro ng malaki dahil bukod sa membership fee, may monthly dues pa?
Ilang taon na ba ang nasabing grupo?
Do the math na lang tayo mga kapatid. Hehehehe
Ibig bang palabasin ng grupong ito na nagbayad sila ng Senador para lamang talakayin ang problema sa intelehensiya o payola na wala naman matibay na ebidensya? Mukhang pati mga senador nabudol din ng grupong ito. Hehehehe!
Sabi nga ng ilang peryante, alam naman nila na nahahaluan ng sugal ang kanilang mga perya upang makatulong din sa peace and order ng pamahalaan at sa ilang mga pangangailangan pa na binibigay naman bilang donasyon.
Ang masakit na katotohanan dear readers, nagsarado ang mga perya operator sa buong Region1 ganung ang karamihan sa grupong ito na taga- Batangas at Rizal ay patuloy na nakapag ooperate ng pergalan sa probinsya.
Naku po!
Ano kaya ang masasabi ng asawa ni BOY life na si Madam kupal?
Ang dating kasi sa ilang peryanteng totoo ay dinamay lang sila at ginawang sangkalan,.
Dahil nga sa nalaman nilang bukas ang mga pergalan ng grupong ito sa probinsya ng Batangas at Rizal.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com