Advertisers

Advertisers

Taxi driver hinoldap ng 2 pasahero

0 3

Advertisers

Hinoldap ang isang taxi driver sa Intramuros, Maynila nitong Martes, Pebrero 13.

Ang holdaper ng tsuper ay mismong ang dalawang nagpanggap na pasahero nito.

Ayon sa Ermita Police, pumara ang dalawang lalaki sa Baclaran at nagpahatid sa Intramuros.



“Bigla na lang nagdeklara ng holdap ‘yung dalawang suspek na parehong may hawak ng baril.

Nakuhanan siya ng more or less P4,000,” sinabi ni PLtCol. Wilfredo Fabros, Ermita police station chief, sa panayam ng ABSCBN.



Pagkatapos ng panghoholdap ay pinababa ng mga ito ang taxi driver.

“Napansin niya ‘yung mga suspek is parang hindi ata marunong magmaneho. Bigla na lang lumabas ng taxi ‘yung dalawang suspek at saka tumakbo ng magkahiwalay na direksyon,” ayon pa kay PLtCol. Fabros.



Agad na humingi ng tulong ang taxi driver sa mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) at pulisya, kung saan naabutan pa ng mga ito ang isa sa dalawang suspek.

Hindi na nabawi pa ang P4,000 kita ng biktima ngunit nakumpiska naman ang isang replica gun na ginamit na panakot ng mga holdaper.

Agad na dumipensa ang nahuling suspek na si alyas “Jun” at sinabing nadamay lamang siya sa insidente.

Patuloy nang tinutugis ang isa pa sa dalawang holdaper.

Nahaharap ang suspek sa kasong robbery hold-up at paglabag sa Comprehensive Law of Firearms and Ammunitions Regulation Act.(Jocelyn Domenden)