Advertisers
LULUSAWIN o tatanggalin sa serbisyo ang mga pasaway na kasapi ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) bilang bahagi sa paglilinis sa hanay ng LAW ENFORCERS upang ganap na pagkatiwalaan ng publiko ang integridad ng mga pulis sa ating bansa.
Ipinunto ni NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO) CHIEF, MAJOR GENERAL JOSE MELENCIO C. NARTATEZ JR na ang kanilang pangasiwaan ay hindi kukunsinti sa mga ilegal na aktibidad ng kanilang mga kabaro lalo na sa mga isinasagawang illegal operation ng kanilang mga operatiba.
“Our message is clear, NCRPO and the PNP (Philippine National Police) as a whole shall not condone any and all forms of abuse and criminal behavior of our men. We are exerting all efforts to weed out all erring personnel from our ranks through our invigorated internal cleansing program. Dedicate yourselves to public service and hold yourselves accountable to every action and decision you make especially in the performance of duty,” paggigiit ni MGEN. NARTATEZ JR. sa dapat gawin ng kanilang mga kabaro.
Nitong nakaraang February 12 ay iniatas ni MGEN. NARTATEZ JR ang DISMISSAL o pagtatanggal sa serbisyo ang 10 POLICE OFFICERS dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa umano’y unlawful arrest, arbitrary detention, at robbery sa 4 CHINESE NATIONALS na nasa PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS (POGO) ESTABLISHMENT sa PARAÑAQUE CITY noong September ng nakaraang taon.
Ang mga sinibak sa serbisyo ay sina LT. COL. JOLET GUEVARA, MAJ. JASON QUIJANA, MAJ. JOHN PATRICK MAGSALOS, CAPT. SHERWIN LIMBAUAN, EXECUTIVE M/SGT. ARSENIO VALLE, CPL. RECES CLAVERIA at STAFF SERGEANTS ROY PIOQUINTO, MARK DEMOCRITO, DANILO DESDER at CHRISTIAN CORPUZ.
Ang mga ito ay tinanggal na sa serbisyo epektibo nitong February 12 dahil sa grave misconduct, grave irregularity in the performance of duty, grave neglect of duty, the conduct unbecoming of (a) police officer, less grave misconduct, less grave neglect of duty.
Base sa HOUSE OF REORESENTATIVES RESOLUTION 1471.., si ANTIPOLO 2nd DISTRICT REP. ROMEO ACOP ay humiling ng CONGRESSIONAL PROBE sa iregularidad na nagawa ng mga kasapi ng SOUTHERN POLICE DISTRICT- DISTRICT SPECIAL OPERATIONS UNIT (SOD-DSOU) sa kanilang naging operasyon noong September 16, 2023.
Sa HOUSE HEARING nitong January 23 ng kasalukuyang taon ay inihayag ni ACOP na ang 4 FEMALE CHINESE NATIONALS na sina DANG LINA, HU YI, LIN LANGPING at LI HUANHUAN ay ilegal umanong inaresto ang mga ito at dinala sa isang silid ng CONDOMINIUM sa PARAÑAQUE CITY.., na ikinulong sa lugar na hindi inimporma ang kanilang mga kaso at pinagkaitan sa kanilang karapatang magkaroon ng abogado.
Inihayag pa ni ACOP na ang 4 CHINESE WOMEN ay inilipat din sa SPD-DSOU na ang mga nasabing pulis ay nag-atas na kailangan umanong magbigay ng tig-2 milyong piso ang bawat isa para sa kanilang ikalalaya.
Sa pagdinig ng HOUSE COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND SAFETY nitong February 5 ay hinatulang ma-detain ng 30-days ang mga opisyal na sina SOUTHERN POLICE DISTRICT- (SPD) DIRECTOR BRIG. GEN. RODERICK MARIANO at dating SPD COMPTROLLER COL. CHARLIE CABRADILLA dahil sa kanilang mga pagsisinungaling.
Pinalawig naman ni ACT-CIS PARTY-LIST REP. ERWIN TULFO ng 15-days na pagkakapiit sa SENADO ang 6 na mga PULIS na sina GUEVARA, QUIJANA, MAGSALOS PIOQUINTO, DEMOCRITO at DESDER na na-contempt dahil sa pagsisinungaling sa HOUSE PANEL.
Naihayag naman ni MGEN. NARTATEZ JR na ang.mga operatiba ay tinangay “with intent to gain” ang mga personal properties na hindi kabilang sa search warrant operation na nagkakahalaga ng P27 milyon.., at sinadyang hindi isinama sa listahan ng inventory of recovered evidence; bukod diyan ay nadiskubre pang intentionally planted ang 2 baril at 2 magazines na isinagawa ng.mga operatiba.
Bunsod niyan ay 7 POLICE OFFICERS ang na-demote o binawasan ng ranggo at 17 iba pa ang sinuspinde na walang kaukulang SUWELDO dahil sa pagkakasangkot nila sa nasabing operasyon at sina MARIANO at CABRADILLA ay mahaharap din sa ADMINISTRATIVE DISCIPLINARY PROCEEDINGS “upon issuance of presidential clearance” ayon kay MGEN. NARTATEZ JR.
Ang ARYA PROGRAM sa MEDIA HOUSE EXPRES (MHE) na siyang kauna-unahang radio-tv internet sa ating bansa; kasama na ang ARYA COLUMN sa diyaryong POLICE FILES TONITE at ang NCRPO PRESS ASSOCIATION ay kaisa sa adbokasiya ng PNP na malinis ang kanilang hanay at maalis sa serbisyo ang mga nagsisilbing “ANAY” sa integridad ng LAW ENFORCERS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.