Advertisers

Advertisers

DAGDAG-AYUDA SA DAVAO APRUB SA MARCOS ADMIN

0 9

Advertisers

APRUBADO na ng pamahalaan ang additional emergency cash transfer o ECT para sa mga pamilyang apektado ng kalamidad sa Davao Region.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Davao del Norte Vice Governor Oyo Uy na inistially ay 70,000 beneficiaries lamang ang inaprubahan sa kanilang lalawigan.

Ngunit agad aniyang tumugon si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian sa hirit nilang dagdagan ang mga benepisyaryo ng programa sa kanilang lugar.



Sinabi ni Uy na nasa 200,000 hanggang 300,000 food packs na naipamahagi sa kanilang mga constituents.

Kasabay nito, nagpasalamat naman si Uy sa national government, lalo na kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa iba’t ibang tulong na natanggap ng kanyang mga nasasakupan.



Samantala, tinatayang 127,000 families na ang apektado ng pagbaha at landslide na dulot ng sama ng panahon sa Daval del Norte.

Sinabi ni Uy na ito’y batay sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) pero patuloy aniya ang ginagawang assessment hinggil dito.



Ayon kay Uy, batay naman sa partial latest report na ibinigay nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pumalo na sa 1.2 bilyon ang halaga ng naitalang pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa kanilang probinsya. (Gilbert Perdez)