Advertisers

Advertisers

Devon Seron napatawad na si Kiko Estrda

0 47

Advertisers

Ni PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

DEVON Seron has already forgiven her ex-boyfriend Kiko Estrada after almost three years since they parted ways.

“You have to forgive to move on. For me kasi, I’m not doing it for… I’m doing it for myself also.”



Nakausap ng press si Devon sa presscon ng pelikulang After All na ginanap sa Eastwood Richmonde Hotel, sa Eastwood, Quezon City, Friday, February 16, 2024.

Nagkasabay raw kasi sina Devon at Heaven Peralejo sa buhay ng aktor noon.



May nangyari bang ahasan?

“Hala, bakit ganun yung question?” medyo shocked na sabi ni Devon.



“I’m not gonna say anything. No comment about that.”

Pagdidiin muli ni Devon, “Hindi. Sabi ko nga po, hindi tayo gagawa kung anuman ang makakapag-sad sa ibang tao, makapagpapasakit ng ibang tao.”

Ang mahalaga, naka-move on na raw si Devon ngayon.

“Yes, of course, oo naman po. Kasi ano, it’s part of life,” she asseverated.

“And of course, para magawa ko naman yung mga gagawin ko sa buhay, di ba?

“Yung mga goals mo. Yung gusto mong i-achieve.

“And of course, so I can take care of my family, di ba?”

Sanay na raw naman siyang maging single.

Ang totoo niyan, mas matagal pa raw yata siyang single kaysa in a relationship.

Nagkita na ba sila?

“Nagkaroon naman, ilang beses na din.”

Nevertheless, hindi raw talaga sila on speaking terms.

“No. We’re not speaking, but I wish him well.

“Yung inisip ko lang kasi yung mga blessings na ibinibigay ni Lord, may mga taong nagtitiwala sa akin, so okay na po ako dun.”

Hiningan din ng pahayag si Devon in connection with Heaven’s involvement.

May 30, 2021, naging opisyal ang relasyon nina Kiko at Heaven.

Anyhow, naghiwalay rin sila right after celebrating their 3rd monthsary last August 30, 2021.

Palagay ba niya’y na-karma sina Kiko at Heaven dahil tatlong buwan pa lang ang relasyon nila ay naghiwalay na sila?

Tumanggi si Devon.

“E, bakit naman po? I don’t wish ill sa ibang tao.

“Even mag-isip man lang ng ganun. And of course, sobrang natatakot din ako sa karma, e.

“So, I have to really deal with myself lang about it.

“Yung relationships, they come and go. And of course, yung totoong pag-ibig naman kung para sa atin, ibibigay talaga ni God sa atin.”

At this point, natawa lang siya nang tanungin kung napatawad na ba niya si Heaven.

Ang After All ay offering ng ALV Films and being starred in by Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez, kasama sina Devon, Teejay Marquez, Tart Carlos Galano, Kiko Ipapo, at iba pa, sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.

Ipalalabas ito sa mga sinehan starting February 28, 2024.

***

Magnaninous and most giving!

MADAM Ellen Campos is one person who is most giving.

Sa YouTube ko lang siya na-meet and yet she is most giving and loving as well.

Matagal na siyang naninirahan sa Hollister, California and she works as a nursing assistant at Hazel Hawkins hospital.

Living in America suits her well. Doon na lumaki ang kanyang mga anak at doon na sila nagkaedad na mag-asawa.

But aging suits Madam Ellen well.

Naalagaan niya ang kanyang sarili at bakas pa rin ang kanyang ganda at an age when most women are no longer that attractive.

Siguro nasa attitude rin yan at pag-aalaga sa kanyang katawan.

Follow me in Police Files Tonite tabloid at Yari Ka!

Send in those amusing and sizzling stories at #09276557791.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!