Advertisers

Advertisers

3,000 litrong muriatic acid tumagas sa Maynila

0 4

Advertisers

NAGRESULTA sa pagtagas ng kemikal ang pagkasira ng isang chemical tanker sa Paco, Maynila, Linggo ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Manila Special Rescue Force, 4:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Pedro Gil. St., kanto ng Quirino Avenue sa Paco.

Sa ulat, minamaneho ni Dominador Evangelista, 36 anyos, ng Balagtas, Bulacan ang isang Isuzu chemical tanker (CAY 1606), at naglalaman ng 3,000 litro ng hydrochloric acid o muriatic acid nang masiraan ito sa naturang lugar.



Napinsala ang chassis ng chemical tanker na nagresulta sa pagtagas ng lulan nitong concentrated form ng hydrochloric acid.

Kaagad naman rumesponde ang mga awtoridad at sinolusyunan ang problema.(Jocelyn Domenden)