Advertisers

Advertisers

Away sa lupa: Misis pinugutan ng ulo ni bayaw

0 77

Advertisers

PINAGTATAGA at pinugutan pa ng ulo ang 54-anyos na ginang ng bayaw sa bayan ng Goa, Camarines Sur.

Sa imbestigasyon, iniulat ni Police Major Rodolfo Borromeo, hepe ng Goa Municipal Police Station, sumuko ang 44-anyos na salarin matapos gawin ang karumal-dumal na krimen.

Napag-alaman pa ng pulisya na inihagis pa salarin ang ulo ng biktima ilang metro mula sa katawan nito.



Napag-alamang away sa lupa ang ugat ng labis na galit ng salarin sa biktima.

Depensa ng salarin, nanlaban lang siya matapos na lapitan niya ang biktima na umano’y may hawak na itak at nagawa ang krimen bunsod ng labis na galit.



Sinabi pa ng salarin, gusto umano ng biktima na kamkamin ang lupa ng kanilang ama na dapat paghahatian nilang 11 magkakapatid.

Nakatakdang magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa salarin.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">