Advertisers
Kulong ang isang Japanese national na nahuling naglalaro ng kanyang ‘ari’ habang nasa eroplano patungo sa Cebu.
Ayon kay Lapu-Lapu City Police Office spokesperson P/Lt. Col. Christian Torres, kinasuhan ng paglabag sa RA 11313 o ‘Safe Space Act’ o mas kilala biang Anti-Bastos Law ang 20-anyos na suspek.
Nangyari ang pag-aresto noong March 7 nang ireklamo ng 29-anyos na babae ang dayuhan na katabi nito sa eroplamo.
Natutulog umano ang babae habang nasa flight, pero paggising nito nakita niyang nilalaro ng suspek ang pribado parte ng kanyang katawan.
Palihim na kinunan ng video ng babae ang nasabing dayuhan at ipinakita ito sa airline staff at piloto bilang pruweba.
Nang makarating sa Mactan Cebu International Airport, agad na hinuli ng Aviation Security ang Japanese national.
Nitong Biyernes, nakalaya rin ang dayuhan nang magpiyansa ng P3,000.