Advertisers
Kritikal ang dalawang taong gulang na bata nang lapain ng apat na aso sa Brgy. Timbangan, Calbiga, Samar noong Sabado.
Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na sinundan ng bata ang kaniyang ina na papasok sa trabaho.
At napunta ang bata sa isang kulungan ng baboy kung saan apat na aso ang nagbabantay sa mga alagang hayop at hindi ito nakatali.
Inatake ng mga aso ang nasabing bata, na nawalan ng 2 tenga at maraming sugat ang natamo sa katawan.
Kasalukuyang naka-admit sa Samal Provincial Hospital ang biktima.
Napag-alamang hindi nabakunahan ng anti-rabies ang mga asong nakakagat sa bata.
Tinali naman ng may-ari ng piggery ang mga aso at nangakong tutulong sa pamilya ng bata.