Advertisers
Sa pagtalima sa Fire Prevention Month, pinangunahan ni Senator Cynthia A.Villar, kasama ang Las Piñas City Bureau of Fire Protection, ang fire safety seminar at fire drill demonstration sa Las Piñas noong Sabado, March 10. Sinabi ng senador na nagsasagawa sila ng mga aktibidades at pagsasanay upang paigtingin ang kamulatan at kaalaman ng mga komunidad sa pag-iwas sa sunog. Tema ng Fire Prevention Month taong ito ang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa.” (CESAR MORALES)